Pag-amyenda sa Saligang Batas hindi dapat madaliin ayon kay Sen. Gordon

Hindi kumbinsido si Sen Dick Gordon sa paspasan na pagpapalit ng sistema ng gobyerno at sa mabilisan pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Ayon kay Gordon, payag siya sa amyenda at pagpapalawig sa economic provisions ng Saligang Batas upang pumasok ang mga investors at dumami ang trabaho.

Pero giit ni Gordon hindi siya papayag na basta na lamang babaguhin ang form of government dahil kailangan na pag-aralan itong mabuti.

Dagdag ni Gordon, kung hindi magbabago ang tao ay wala rin mangyayari sa pagpapalit ng sistema.

Pagtatapos ni Gordon, ang problema sa chacha, kapangyarihan ng gobyerno ang laging iniisip at hindi ang economics.

Kung talagang gusto aniyang isulong talaga ang Cha Cha dapat ay unti-untiin para maniwala ang tao.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...