2 hinihinalang holdaper, napatay ng mga pulis sa Malolos, Bulacan

By Mariel Cruz January 29, 2018 - 09:38 AM SHARE(S):

Napatay ng mga pulis ang dalawang hinihinalang holdaper sa Malolos, Bulacan.

Ayon kay Supt. Heryl Bruno, hepe ng Malolos Police Station, hinoldap umano ng dalawang lalaki ang isang restaurant manager na nakilalang si Yulbert de Guzman.

Nakatayo aniya ang biktima sa kahabaan ng Mc Arthur Highway sa Barangay Bulihan nang lapitan at holdapin ng mga suspek.

Ayon kay Bruno, sinabi sa kanya ni De Guzman na dinala siya ng dalawang lalaki sa isang madilim na lugar kung saan siya pinaghubad at kinuha ang kanyang cellphone at pera.

Agad naman nagtungo si De Guzman sa pinakamalapit na police station at isinumbong ang insidente.

Sinabi ni Bruno na naabutan ng mga rumespondeng pulis ang dalawang suspek sa Ople Road.

Nabaril at napatay aniya ang mga suspek matapos manlaban sa mga pulis.

Iniimbestigahan na ngayon ng mga otoridad kung miyembro ba ng robbery group ang napatay na mga suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: malolos bulacan, Radyo Inquirer, two hold up suspects

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.