NCRPO, wala pang lead sa mga suspek na nang-holdap ng mga pasahero ng isang UV Express sa Maynila

By Mariel Cruz January 29, 2018 - 09:25 AM SHARE(S):
INQUIRER File Photo

Wala pa rin hawak na impormasyon ang mga otoridad ukol sa pagkakakilanlan ng tatlong suspek na nahuli sa dashcam video na nanghohold-up ng mga pasahero ng isang UV Express sa Maynila.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde, sa ngayon ay hindi pa nila nakukuha ang identity ng mga suspek.

Pero malaki aniya ang tsansa na mahuhuli din nila ang mga ito dahil malinaw naman na nakikita sa video ng itsura ng tatlong suspek.

Malaki din aniya ang maitutulong ng netizens lalo na’t kumalat na sa social media ang video footage kung saan mapapanood ang ginawang panghohold-up.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 7.5 million ang views at 27,000 ang comments ng nasabing video footage.

Ang tatlong suspek ay magkakahiwalay na sumakay sa isang UV Express sa kahabaan ng Vito Cruz sa Maynila kung saan anim na kapwa pasahero ang ninakawan.

Isa sa mga suspek ang nagkunwari pang sumagot ng tawag para magbigay ng go signal sa iba pang kasamahan.Ayon sa NCRPO, malaki ang tsansa na mahuli ang mga suspek dahil malinaw naman na nakikita sa video ang itsura ng tatlo.

 

 

 

 

 

TAGS: hold-up incident, manila, NCRPO, uv express, Vito Cruz, hold-up incident, manila, NCRPO, uv express, Vito Cruz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.