Barangay Chairman patay sa ambush sa North Cotabato

By Jimmy Tamayo January 27, 2018 - 11:35 AM

Patay ang isang Barangay Chairman at kasama nito makaraang pagbabarilin sa bayan ng Carmen, North Cotabato.

Sinabi  sa ulat ng Cotabato Police Provincial Office na ang biktima ay sina Renato Ortiz, Chairman ng Barangay General Luna sa naturang bayan at ang kasama nitong si Reynaldo Nobleza na residente ng nasabing Barangay.

Sa impormasyon ng pulisya, sakay ng motorsiklo ang dalawang biktima at pauwi na sana ng kanilang barangay nang tambangan sa Sitio Tapulan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na maaaring pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil nawawala ang sling bag ni Chairman Ortiz na naglalaman ng P100,000 na cash.

Ang nasabing pera ay kinita umano ni Ortiz mula sa pinagbentahan ng kanyang ani.

Si Ortiz ay nagtamo ng walong tama ng bala sa ibat-ibang parte ng katawan habang si Nobleza ay may siyam na tama ng mga bala.

TAGS: ambush, barangay chairman, North Cotabato, PNP, ambush, barangay chairman, North Cotabato, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.