Sen. Grace Poe lalong magsisipag kahit No. 1 sa survey

By Chona Yu September 28, 2015 - 03:44 PM

grace-poe
Inquirer file photo

Puspusan pa rin ang pagkayod ni Senador Grace Poe para lalo pang palawakin ang ginagawang sorties sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Sinabi ni Poe na higit sa pagiging sukatan ng popularidad, isa aniyang paalala ang Pulse Asia survey na dapat mas pagtuunan pa nya ng pansin ang pagtatrabaho at paglilingkod ng totoo.

Kasabay nito, pinasalamatan ni Poe ang mga taong bayan dahil sa tiwalang ipinagka-kaloob sa kanya.

Ayon kay poe, sa taong bayan siya humuhugot ng lakas para pag ibayuhin pa ang kanyang trabaho.

Base sa survey sa ginawa ng Pulse Asia sa 2,400 respondents pagitan ng September 8 haggang 14, nakakuha siya ng 26 percent habang ang kalabang si Liberal Party standard bearer Mar Roxas ay nakakuha ng 20 percent at 19 percent naman kay Vice-President Jejomar BInay.

Dagdag pa ni Poe,“makaka-asa po kayo na mas lalo ko pang pagbubutihin ang aking trabaho para sa tunay na paglilingkod sa sambayanan”.

Kanya ring sinabi na lalo pa niyang aayusin ang pagpapakilala sa publiko para mas maipaliwanag ang kanyang mga plano sakaling maluklok sya sa mas mataas na pwesto sa pamahalaan.

TAGS: 2016 elections, grace poe, pulse asia, survey, 2016 elections, grace poe, pulse asia, survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.