‘God Gave Me You’ singer Bryan White may concert sa bansa. AlDub, kasama sa concert?

September 28, 2015 - 11:19 AM

concerntKumpirmado nang darating sa bansa ang singer na si Bryan White na nasa likod ng awiting “God Gave Me You” na isa sa mga theme soung ng tambalang AlDub.

Mismong si White ang nag-anunsyo ng concert sa pamamagitan ng kaniyang twitter account.

Nakasaad sa kaniyang post na sa December 1 magaganap ang konsyerto sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City, alas 8:00 ng gabi.

Ang halaga ng tickets sa concert ay mula P500 hanggang P5,000.

Marami namang followers ng sikat na love theme na AlDub ang nag-reply sa post ni White at nagtanong kung makakasama sa konsyerto sina Alden Richards at Maine Mendoza.
Nagpahiwatig kasi si White na magkikita-kita silang tatlo sa pagdating niya sa Pilipinas. “See you soon! @aldenrichards02 @mainedcm,” nakasaad sa tweet ni White.

Nauna na ring nadulas si Joey De Leon na magkakaroon ng concert sina Maine at Alden.

Ang nasabing awitin ni White ay pumatok sa publiko at lalong sumikat sa Pilipinas dahil araw-araw itong naririnig sa palitan ng dubsmash ng tambalang AlDub sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Excerpt: Tumugon ang singer na si Bryan White sa panawagan ng mga fans ng sikat na love team na AlDub at nakatakdang magsagawa ng concert sa bansa sa Disyembre.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.