Defending Champion Iran, makakaharap ng Gilas Pilipinas

By Dona Dominguez-Cargullo September 28, 2015 - 06:42 AM

gilas 3Matapos ang matagumpay na laban kahapon kontra Japan, ang defending champion na Iran naman ang makakalaban ng Gilas Pilipinas sa pagpapatuloy ng Fiba Asia Championships na ginaganap sa China.

Alas 11:45 ng umaga magaganap ang laban sa pagitan ng Pilipinas at Iran. Magugunitang ang Iran ang tumalo sa Pilipinas noong nakaraang taon sa Fiba Asia.

Dahil sa tagumpay sa unang round, nasa Group E na ngayon ang Gilas Pilipinas kasama ang Iran, Palestine, India, Japan at Hong Kong.

Kahapon, tinalo ng Pilipinas ang Japan sa score na 73-66 na unang panalo ng bansa sa second round ng Fiba Asia Championships.

Sa simula ay umabante pa ang Japan at umabot sa sampu ang lamang sa Pilipinas pero nakahabol din ang Gilas at nagtuloy-tuloy ang kalamangan hanggang sa 4th quarter.

TAGS: GilasvsIran, GilasvsIran

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.