Dela Rosa sa kaniyang term extension: Malungkot ako kasi hayahay na sana ako ngayon

By Dona Dominguez-Cargullo January 22, 2018 - 09:38 AM

Hindi naiwasan ni Philippine National Police chief, Director General Ronald Dela Rosa na ihayag ang kalungkutan dahil sa napalawig niyang termino.

Kahapon sana ang huling araw ni Dela Rosa sa pwesto bilang PNP chief matapos niyang ipagdiwang ang kaniyang ika-56 na kaarawan, na retirement age na para sa mga pulis.

Gayunman, pinalawig pa ni Pangulong Duterte ang termino ni Dela Rosa.

Sa flag raising ceremony sa Camp Crame, sinabi ni Dela Rosa na malungkot siya dahil hayahay na sana siya ngayon, pero agad itong bumawi at sinabing masaya pa rin naman siya na maipagpapatuloy niya ang paglilingkod sa taumbayan.

Sinabi ni Dela Rosa na masaya rin siya na nananatiling tiwala sa kaniya ang pangulo.

Sa nasabi ring seremonya, binilinan ni Dela Rosa ang mga pulis na triplehin ang kanilang effort sa pagganap ng tungkulin lalo ngayong malaki na ang kanilang sweldo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: PNP, Radyo Inquirer, ronald dela rosa, PNP, Radyo Inquirer, ronald dela rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.