TNT KaTropa tinalo ang Meralco Bolts

By Justinne Punsalang January 21, 2018 - 09:48 PM SHARE(S):

Wagi ang koponan ng TNT KaTropa kontra sa koponan ng Meralco Bolts sa kanilang katatapos lamang na laban ngayong araw para sa PBA Philippine Cup na ginanap sa Ynares Center.

99-81 ang final score ng laro.

Pinangunahan ni Troy Rosario ang KaTropa matapos nitong mabigay ng 22 puntos sa buong laban, 12 dito ang ibinigay niya sa unang quarter pa lamang ng laro.

Nakatulong rin sa pagkapanalo ng TNT sina Roger Pogoy, Jayson Castro, at RR Garcia na nakapagtala ng pinag-sama-samang 45 points.

Pinangunahan naman ni NiƱo Canaleta ng Bolts ang koponan ngunit hindi ito sapat para mapataob ang power-players ng KaTropa.

TAGS: Jayson Castro, Meralco Bolts, Roger Pogoy, RR Garcia, TNT KaTropa, Troy Rosario, Jayson Castro, Meralco Bolts, Roger Pogoy, RR Garcia, TNT KaTropa, Troy Rosario

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.