US Embassy mananatiling bukas

By Justinne Punsalang January 21, 2018 - 09:46 PM SHARE(S):

Mananatiling bukas ang embahada ng Estados Unidos sa Maynila.

Ito ay bagaman mayroong government shutdown kasunod ng stand-off sa immigration funding sa hanay ng mga mambabatas sa US.

Magpapatuloy ang US Embassy sa kanilang mga serbisyo kagaya ng routine emergency, consular social security, US citizenship, at immigration.

Maging ang mga naka-takda nang appointments sa embahada ay magpapatuloy rin.

Sabado nang ianunsyo ng pamahalaan ng Estados Unidos ang government shutdown kasunod ng kabiguan ni US President Donald Trump at ng US Congress na makakuha ng deal na magpopondo sa mga federal agencies.

TAGS: US Embassy, US Embassy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.