Mocha Uson binigyan ng award ng UST Alumni Association; UST student council tinuligsa ang award

By Justinne Punsalang January 21, 2018 - 09:43 PM SHARE(S):
COURTESY The Varsitarian

Ginawaran ng University of Santo Tomas (UST) Alumni Association ng Thomasian Alumni Award for Government Service si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson.

Sa Twitter post ng official publication ng UST na The Varsitarian, ipinakita ang larawan ni Uson nang dumalo ito sa UST Grand Alumni Homecoming ngayong araw.

Nagpasalamat naman sa kanyang alma mater si Uson. Aniya, inaalay niya ang nakuhang pagkilala sa mga ordinaryong Pilipino.

Ngunit kasunod nito ay tinuligsa naman ng UST Central Student Council (CSC) ang award na ibinigay kay Uson.

Sa isang pahayag, sinabi ng UST CSC na hindi kinakatawan ni Uson ang ideals ng isang tunay na Thomasian.

Hinimok pa ng UST CSC ang lahat ng mga mag-aaral ng UST na labanan ang pagpapalaganap ng maling impormasyon at maging kritikal ang bawat isa sa mga impormasyong tinatanggap nito.

Samantala, wala pang inilalabas na sagot si Uson ukol sa pahayag ng UST CSC.

Nakatanggap rin ng kaparehong pagkilala sina Senador Joel Villanueva at Department of Health Secretary (DOH) Francisco Duque.

TAGS: Asec Mocha Uson, Thomasian Alumni Award for Government Service, University of Santo Tomas, UST Alumni Association, UST Central Student Council, Asec Mocha Uson, Thomasian Alumni Award for Government Service, University of Santo Tomas, UST Alumni Association, UST Central Student Council

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.