Sunog sa Yakult Building, tuluyan nang naapula

By Chona Yu, Justinne Punsalang January 21, 2018 - 03:50 PM

Tuluyan nang naapula ngayong araw ang sunog na nagap sa gusali ng Yukult Philippines sa Agoncillo Street, Malate, Maynila.

Halos 19 na oras nasunog ang naturang gusali, kung saan tinutukoy na nagsimula ang apoy sa imbakan ng mga papeles na nasa ikatlong palapag nito.

Ayon kay Manila Bureau of Fire Protection (BFP) District Fire Marshall Antonio Razal Jr., inaalam pa nila sa ngayon ang kabuuang halaga ng mga ari-arian na naabo sa naturang sunog.

Aniya, nakalabas naman lahat ng mga empleyado ng gusali at wala silang naitalang nasaktan dahil sa sunog.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog. Nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa kapal ng usok na dala nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.