34 sugatan sa pagbangga bus sa isang tindahan sa Davao

By Mariel Cruz January 21, 2018 - 03:46 PM

Sugatan ang mahigit tatlumpung pasahero makaraang bumangga ang sinasakyang bus sa isang tindahan sa Davao.

Ayon sa ulat, kabuuang talumpu’t apat ang nasugatan sa insidente na naganap umaga ng Linggo sa Buhangin District.

Nabatid na galing sa Tagum City ang nasabing bus na pagmamay-ari ng Holy Infant Tours nang mawalan ng preno malapit sa NHA Buhangin.

Kabilang sa mga sugatan ay ang drayber ng bus na hindi pa batid ang pagkakakilanlan.

Agad naman isinugod ang mga biktima sa isang ospital matapos rumesponde ang rescue team ng Central 911.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.