MRT, maagang nakaranas ng aberya; 200 pasahero, pinababa

By Mariel Cruz January 21, 2018 - 08:36 AM

Maagang nakaranas ng aberya ang isang tren ng Metro Rail Transit o MRT-3 ngayong umaga ng Linggo.

Sa abiso ng MRT, nagkaroon ng electrical failure ang motor ng nasabing tren.

Naganap ang aberya bandang 6:14 ng umaga.

Dahil dito, nasa dalawangdaan pasahero ang pinababa sa North Avenue station.

Pero nakasakay naman ang mga apektadong pasahero sa sumunod na tren na dumating makalipas ang anim na minuto.

Samantala, sa Taft Avenue station naman ay tinanggal ang isang tren dahil din sa naranasang aberya pero wala naman pasahero ang naapektuhan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.