Maine Mendoza napili ng MAC Cosmetics para maging unang Filipina influencer

By ., Justinne Punsalang January 21, 2018 - 06:28 AM

Ibinahagi ni Maine Mendoza sa kanyang Instagram account na napili siya ng MAC Cosmetics para maging kanilang unang Filipina ambassadress.

Sa kanyang mga latest Instagram posts ay ibinahagi ni Maine ang kanyang pananatili sa Toronto, Canada kung saan naka-base ang MAC.

Nag-post rin si Maine ng litrato kung saan may hawak siyang isang tube ng lipstick. Sa caption, sinabi ni Maine na gumawa siya ng sarili niyang shade ng lipstick na isang collaboration kasama ang MAC.

Makikita naman sa kanyang Instagram stories ang proseso ng pagbuo sa kanyang lipstick shade.

Palaisipan naman sa ngayon kung ano ang shade at pangalan ng lipstick na ginawa ni Maine.

TAGS: MAC lipstick, Maine Mendoza, MAC lipstick, Maine Mendoza

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.