Ed Sheeran, engaged na sa long-time gf na si Cherry Seaborn

By Rhommel Balasbas January 21, 2018 - 04:48 AM

“Very happy and in love”.

Ito ang nakakakilig na bahagi ng caption ni Ed Sheeran sa isang Instagram post kung saan inanunsyo niya na siya ay ‘engaged’ na sa long-time girlfriend na si Cherry Seaborn.

Sa isang panayam ay sinabi ni Ed na ito ang unang pagkakataon na nagmahal siya ng tama.

Bago pa man magbagong-taon anya ay sumagot na ng ‘yes’ upang makaisang-dibdib ang kanyang fiancé.

Iginiit niyang gusto niya na ring magkaroon ng pamilya at ready na siyang ipasyal ang kanyang magiging mga anak.

Ilan sa mga tour dates ng singer ang nakansela noong nakaraang taon bunsod ng isang bike accident.

Ang kanta ni Ed Sheeran na ‘Shape of You’ ang biggest selling single noong 2017 ayon sa Official Charts data.

TAGS: Cherry Seaborn, Ed Sheeran now engaged, Cherry Seaborn, Ed Sheeran now engaged

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.