Pinay girlfriend ng suspek sa Las Vegas mass shooting inabswelto

By Den Macaranas January 20, 2018 - 09:05 AM

AP

Inabswelto na sa mga kaso ang Pinay girlfriend ng pangunahing suspek sa naganap na Las Vegas shooting spree noong nakalipas na buwan ng Oktubre.

Sinabi ni Clark County Sheriff Joseph Lombardo na wala silang nakikitang direct link na mag-uugnay kay Marilou Danley sa pamamaril na ginawa ng kanyang kinakasama na si Stephen Paddock.

Base sa mga ginawag imbestigasyon ng mga otoridad sa Las Vegas ay lumilitaw na tanging si Paddock lamang ang nagplano at nagsagawa ng nasabing pamamaril na nagresulta sa kamatayan ng 58 katao at ikinasugat ng maraming iba pa.

Magugunitang pinaulanan ng mga bala ni Paddock ang ilang mga nanonood ng music festival sa Las Vegas na sinasabing worst mass shooting incident sa kasaysayan ng U.S.

Makaraan ang pamamaril ay nagpakamatay rin ang pangunahing suspek sa krimen kung saan ay nabawi ng mga otoridad ang ilang mga assault rifles at bala mula sa silid na inupahan nito sa Mandalay Bay.

Sa ngayon ay inaalam pa rin ng mga otoridad kung konektado si Paddock sa grupo ng mga terorista.

TAGS: las vegas shooting, Marilou Danley, paddock, las vegas shooting, Marilou Danley, paddock

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.