Kita ng “Gandarrapiddo: The Revenger Squad,” pumalo na sa P571M

By Rhommel Balasbas January 20, 2018 - 05:44 AM

Itinuturing nang “highest grossing Filipino movie of all time” ang Metro Manila Film Festival 2017 entry na “Gandarrapiddo: The Revenger Squad”.

Ito ay inanunsyo mismo ng film production unit ng ABS-CBN na Star Cinema sa Instagram matapos kumita ang pelikulang ito ni Vice Ganda ng 571 milyong piso sa takilya.

Bukod pa sa nasabing kita ang kinita nito sa ibang bansa.

Nalampasan na nito ang kinita ng pelikula rin ni Vice Ganda na “Super Parental Guardians” noong 2016 na nasa 550 milyong piso.

Dahil dito, isang victory at thanksgiving party ang isinagawa ng buong pwersa ng cast at crew ng pelikula.

Walang mapaglagyan ang saya si Vice Ganda at sinabing nasurpresa siya dahil sa hindi mabilang na pagkakataon ay ‘highest grossing film’ na naman ang kanyang pelikula.

Gayunman, bukod sa kita ay mas masaya anya siya kasi mas maraming Filipino ang kanyang napapasaya kada taon.

Patuloy pa ring ipinalalabas sa mga sinehan ang ‘The Revengers Squad’ at inaasahang aabot pa sa 600 milyong piso ang gross domestic box office sales.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.