Dalawang magkasunod na pagsabog yumanig malapit sa training school ng militar sa Maguindanao

By Jan Escosio January 19, 2018 - 10:24 AM

Nagkaroon ng dalawang magkasunod na pagsabog sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Sa inisyal na impormasyon mula kay Capt. Arvin Encinas, tagapagsalita ng Army 6th Infantry Division, ang unang pagsabog ay naganap 6:35 ng umaga ng Biyernes, Jan. 19 na sinundan ng isa pang pagsabog makalipas lang ang 10-minuto.

Sinabi ni Encinas na ang insidente ay naganap hindi kalayuan sa kanilang training school.

Wala naman nasugatan o nasaktan sa dalawang pagsabog na hinihinalang mula sa improvised explosive device o IED.

Iniimbestigahan na ng lokal na pulisya ang pangyayari para matukoy kung sino ang responsable sa insidente.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Datu Odin Sinsuat, maguindanao, Radyo Inquirer, Datu Odin Sinsuat, maguindanao, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.