Sunog sa Mindanao Avenue sa QC, tatlong sasakyan ang nadamay

By Dona Dominguez-Cargullo January 19, 2018 - 07:02 AM

Nadamay ang tatlong mamahaling sasakyan sa sunog na naganap sa Mindanao Avenue sa Barangay Sauyo, Quezon City.

Tinupok ng apoy ang dalawang establisyimento sa loob ng Victoria Subdivision Biyernes ng umaga.

Ayon sa Quezon City Fire Bureau, ang nasunog ay isang car shop na gawaan ng mga mamahaling sasakyan at isang kainan.

Napinsala sa nasabing sunog ang tatlong sasakyan na nakaparada sa car shop.

Nagsimula ang sunog pasado alas 4:00 ng madaling araw na umabot sa ikatlong alarma.

Naideklara naman itong fire out ganap na 5:40 ng umaga.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: fire incident, quezon city, Radyo Inquirer, fire incident, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.