Retired PNP General bagong PCSO Chairman

By Rohanissa Abbas January 18, 2018 - 08:37 PM SHARE(S):
Photo: OSETC

Itinalaga si retired PNP General Anselmo Simeon Patrol Pinili bilang Chairman ng Philippine Charity Speepstakes Office (PCSO).

Ito ay makaraang magbitiw sa pwesto si dating PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz dahil sa kanyang kalusugan.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment papers ni Pinili noong January 15 para pagsilbihan ang mga nalalabing panahon sa termino ni Corpuz na nagsimula noong July 1.

Si Pinili ay dating nagsilbi sa Philippine National Police at dating pinuno ng Office of the Special Envoy on Transnational Crime.

Bukas naman si PCSO General Manager Alexander Balutan sa pagkakatalaga kay Pinili.

Ipinahayag niya rin ang suporta sa kanyang mistah sa Philippine Military Academy ‘Matikas’ Class 1983.

TAGS: chairman, pcso, pinili, PNP, chairman, pcso, pinili, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.