DSWD: Hindi kapos ang tulong para sa mga apektado ng bulkang Mayon

By Mark Gene Makalalad January 18, 2018 - 06:33 PM SHARE(S):
Photo: DSWD Region 5

Patuloy ang pamamahagi ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 5 sa mga indibidwal at pamilya na naapektuhan ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.

Sa pinakahuling tala ng ahensya kaninang alas-dose ng tanghali, nakapagpamigay na sila sa probinsya ng Albay ng 5,500 family food packs na nagkakahalaga ng mahigit P2 Million.

Nakapagmahagi na rin sila ng 11,000 piraso ng malong na aabot sa halos P3 Million ang halaga.

Hiwalay pa dito ang tulong sa lungsod ng Legazpi kung saan may 500 food packs at 1,000 na silang naipamigay.

Ayon kay Arwin Razo, Assistant Regional Director for Operations ng DSWD Bicol, patuloy ang kanilang monitoring sa mga apektadong lugar at nakikipag ugnayan sila sa lokal na pamahalaan para malaman ang mga pangangailangan na kaya nilang ipaabot.

Kaninang umaga dumating ang tatlong trucks mula sa National Resource Operations Center (NROC) dala ang 3,400 family food packs na karagdagang ayuda sa DSWD Region V.

Muling babalik ang mga nasabing sasakyan sa Sabado para magdala muli ng relief goods.

Inaasahang may 26,600 pang family food packs ang ipapadala sa Bicol.

TAGS: Bicol, dswd, Mount Mayon, Bicol, dswd, Mount Mayon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.