WATCH: Truck pinagbabaril sa Payatas, Quezon City

By Rod Lagusad January 18, 2018 - 11:34 AM

Kuha ni Rod Lagusad

Pinaulanan ng bala ang truck ng isang private garbage hauler sa Payatas Road, Quezon City.

Ayon sa driver nito na si Manuel Valdevilla siya ay nakasakay sa truck nang ito ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na pawang sakay ng motorsiklo.

Hindi naman ito ang unang insidente ng pamamaril sa Ecowaste Management Company dahil unang pinaulan ng bala ang iba pang mga truck nito noong December 25 noong nakaraang taon.

Ayon kay Aurora Cruz, may-ari ng truck, narekober ng mga pulis ng mga bala ng .45 noong unang insidente ng pamamaril.

Nang matanong kung ano ang maaring dahilan nito, ay nasabi nito na sila ay naireklamo na sa barangay dahil sa amoy na nagmumula sa lugar pero aniya ito ay matagal ng naayos dahil tanging mga recyclable materials na lang ang naitatambak sa kanilang compound.

 

 

 

 

TAGS: payatas quezon city, truck, payatas quezon city, truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.