Daan-daang babae sa Guinea pinaniwalang buntis ng isang ‘fake healer’

By Rhommel Balasbas January 18, 2018 - 08:24 AM

Photo from The Namibian

Arestado ang isang pekeng manggagamot sa Guinea, Africa matapos ireklamo ng daan-daang kababaihan matapos silang mapaniwala na sila ay nagdadalang-tao na.

Nakilala ang suspek na si N’na Fanta Camara na nagbigay ng pinaghalong mga dahoon, herbs at mga gamot sa mga lumalapit na kliyenteng hindi magka-anak.

Lumalabas na ang ibinibigay pala ng suspek sa kanyang mga pasyente ay pampalaki lamang ng tiyan upang magmukha silang mga buntis.

Higit 200 ang tumungo sa police station sa Conakry, kapitolyo ng Guinea kung saan nakapiit ang suspek.

Libu-libong dolyar ang kinita ni Camara mula sa mga biktima kung saan naniningil siya ng 33 dolyar kada isa kung saan sa kanyang bansa ay 48 dollars lamang ang buwanang sahod.

Tinatayang nasa 700 edad 17 hanggang 45 ang nabiktima ng pekeng panggagamot ng suspek.

Ilan sa mga biktima ay pinangangambahang makaranas ng matagalang komplikasyon bunga ng panggagamot.

Iginiit naman ng suspek na wala siyang masamang hangarin at tumutulong lamang siya ngunit hawak pa rin anya ng Diyos ang kapalaran ng kanyang mga nabiktima.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: africa, fake healer, Guinea, N’na Fanta Camara, africa, fake healer, Guinea, N’na Fanta Camara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.