Lalaking may-ari ng bahay na pinagmulan ng sunog sa Taguig, patay sa pamamaril

By Dona Dominguez-Cargullo January 18, 2018 - 06:39 AM

Kuha ni Rod Lagusad

Patay sa pamamaril ang isang lalaki na sinasabing may-ari ng bahay na pinagmulan ng sunog na naganap sa Taguig City Miyerkules (January 17) ng gabi.

Si Procto Santa Cruz na residente ng Sitio Maliwanag, Barangay Western Bicutan ay pinagbabaril ng hindi pa nakilalang suspek, Huwebes (January 18) ng madaling araw.

Kuwento ng mga residente, pasado ala-1:30 ng madaling araw nang sila ay makarinig sila ng limang sunod-sunod na putok ng baril.

At nang sila ay lumabas ng bahay, nakita nila ang duguang katawan ni Santa Cruz.

Hinala ng mga residente, posibleng may kinalaman ang sunog na sumiklab sa Sitio Maliwanag sa pagkamatay ng biktima.

Sa imbestigasyon kasi ng Bureau of Fire Protection-Taguig, sa bahay ng isang Procto Santa Cruz nagsimula ang sunog.

Sa nasabing insidente, umabot sa 100 bahay ang natupok.

 

 

 

 

TAGS: fire incident, Shooting Incident, Taguig City, western bicutan, fire incident, Shooting Incident, Taguig City, western bicutan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.