Dating Navy chief, nilinaw na walang kinalaman si SAP Bong Go sa computer system issue

By Kabie Aenlle January 18, 2018 - 03:33 AM

Itinanggi ng nasibak na hepe ng Philippine Navy na si dating Vice Admiral Ronald Joseph Mercado na walang ginawang pangingialam si Special Assistant to the President (SAP) Bong Go sa usapin ng pagbili nila ng computer system ng mga barko.

Ayon kay Mercado, nagdesisyon na niyang basagin ang kaniyang katahimikan upang linawin na walang kinalaman si Go sa maanomalyang pagbili ng warcrafts para sa Philippine Navy.

Paliwanag ni Mercado, noong siya pa ang First Officer in Command, nakatitiyak siyang sa ilang beses nilang pagkikita ni Go, kailanman ay hindi ito nagtanong sa kaniya tungkol sa pagbili ng mga barko.

Matatandaang nasibak sa kaniyang pwesto si Mercado matapos siyang akusahan ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na pumapabor sa isang European contractor para maging supplier ng combat management system para sa dalawang bagong barko ng kagawaran mula sa South Korea.

Ayon kay Lorenzana, nagdulot ng malawakang demoralization sa Navy ang ginawang pagpigil ni Mercado sa pagbili ng barko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.