Pope Francis, nasasaktan at nahihiya sa sex abuse scandal sa Chile

By Rhommel Balasbas January 17, 2018 - 06:32 AM

Kapatawaran.

Ito ang hinihingi ni Pope Francis sa mga biktima ng ‘sexual abuse’ ng kaparian sa bansang Chile.

Ayon sa Santo Papa, nasasaktan siya at nahihiya dahil sa naturang isyu na sumusubok sa katatagan ng Simbahang Katolika sa Chile.

Kasalukuyang nasa Chile ang pontiff para sa kanyang ika-22 papal visit.

Nauna nang ibinabala ni Vatican Secretary of State Cardinal Pietro Parolin na hindi umano magiging madali ang pagbisita ng Santo Papa sa naturang bansa.

Nakatanggap ng kritisismo si Pope Francis dahil sa pag-ordina sa isang Obispo na inaakusahan na pinagtatakpan ang pang-aabuso ng isang pari.

Ayon sa ilang mga kritiko, bigo siyang dinggin ang mungkahi ng mga tao na tingnang muli ang appointment ng Osorno Bishop Juan Barros.

Ito anila ay sa kabila nang pahayag ng Santo Papa na mahalaga ang pagharap ng Simbahan sa mga pang-aabuso upang mapanatili nito ang Kanyang kredibilidad at nararapat ang parusa sa mga lumalabag.

TAGS: Pope Francis in Chile, Pope Francis in Chile

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.