Miss World 2016 Finalist Catriona Gray, handa na sa Bb. Pilipinas 2018

By Rhommel Balasbas January 17, 2018 - 12:43 AM SHARE(S):

 

IG/catriona_gray

‘Let’s do this!’

Matapos magpakitang gilas sa Miss World 2016, ay handa nang sumabak para naman sa Binibing Pilipinas ang Top 5 Finalist ng Miss World na si Catriona Gray.

Kabilang ang beauty queen sa mapalad na 40 opisyal na kandidata ng pinakamalaking pageant sa bansa.

Sa kanyang Instagram post ay ipinahayag ni Gray ang kahandaan sa kanyang muling pagsabak sa pageant stage.

Anya, umaasa siyang sa kanyang pagsali sa Binibining Pilipinas ay may magbubukas muling mga pinto para sa kanyang mga pangarap.

Pinasalamatan niya rin ang mga fans na walang tigil na sumusuporta sa kanya.

Sakaling palarin ay maaaring irepresenta muli ni Gray ang Pilipinas sa labas ng bansa sa isa sa mga intenatinal pageants na Miss Grand International, Miss Globe, Miss Intercontinental, Miss Supranational, Miss International at higit sa lahat, ang Miss Universe.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.