WACKYLEAKS ni Den Macaranas

May 11, 2015 - 11:05 AM SHARE(S):

Dating magkaibigan, ngayon ay parang mga magka-away na nag-iiwasan ang dalawang senador na parehong may ambisyon sa mas mataas na pwesto sa susunod na election. Ayos sa ating singkit na cricket sa Senado, duda si Tisoy na Senador sa motibo ng mga pagdinig na laging dinadaluhan ng kanyang kapwa Senador na hindi marunong ngumiti.

Kung ganon ang tingin sa kanya ng mistisong mambabatas, galit naman si Mr. Poker faced Senator dahil sa pagiging graduate ng AIM (as in Ayaw Ibigay ang Mic) ng tila ay laging bagong kula na senador. Sa sobrang takaw kasi nito sa mikropono ay halos masapawan na sya sa media exposure ng mambabatas na galing sa isang malaking City sa Metro Manila.

Dahil sa kaganapang ito ay parang naiipit sa nag-uumpugang bato ang isa pa nilang kasamahang mambabatas na wala namang ambisyon sa 2016. Ayon sa ating singkit na cricket, hindi daw nakatulong ang mga patutsada ng mistisong senador laban sa isang kurap na government official para tumaas ang kanyang ratings na bahagi na rin ng kanyang preparasyon sa susunod na eleksyon. Ito na rin ang sinasabing dahilan kaya ang isyu muna sa Mindanao ang kanyang tinututukan sa kasalukuyan dahil hanggang ngayon ay target pa rin niya ang pwestong iiwan ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ambisyon naman ng nakasimangot na Senador ang Vice-Presidential post kaya wala itong tigil sa pagsakay sa mga isyung for sure ay makaka-kuha ng media mileage. Bukod sa pagiging epal sa mga Press Conference, lagi ring laman ng mga radio interviews at forum ang mambabatas na ito na sumu-sunod naman sa payo ng kanyang Media handler na isang dating Hustler na newspaper columnist.

Kahit parehong galing sa iisang partido sina Senador Tisoy at Senador Simangot, wala ring magawa ang kanilang partymates para ayusin ang gusot sa magkabilang panig…..ang dahilan, marami sa loob ng kanilang partido ang bwisit na sa kanilang mga pasikat at pagbibida sa harapan ng Media.

Sa mga susunod na araw ay mas asahan pa na iinit ang hidwaan ng magkabilang panig dahil nagsimula na rin ang Word War sa pagitan ng kanilang mga Media Handlers.

Kilala ang mga senador na ito dahil pareho silang laman lately ng mga balita. Si Sen. Tisoy ay kilala dahil naging sikat rin na mambabatas ang kanyang ama at kapatid, si Senator Simangot naman ay nakilala dahil sa pagdaraos nito ng mga pagkilos sa loob ng mga mamahaling Hotel lalo na noong Arroyo Administration.(wakas)

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.