Naval, Biliran, niyanig ng magkakasunod na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo January 16, 2018 - 07:14 AM

Tatlong magkakasunod na lindol ang tumama sa bayan ng Naval sa lalawigan ng Biliran Martes ng umaga.

Alas 4:43 ng umaga nang yanigin ng magnitude 3.8 na lindol ang Naval, Biliran.

Sa nasabing unang pagyanig, naitala ng Phivolcs ang instrumental intensities na intensity 3 sa Naval, Biliran at intensity 1 naman sa Catbalogan City.

Samantala, ang ikalawang lindol ay naganap naman 4:48 ng umaga na may magnitude na 3.4.

Ang epicenter ayng ikalawang lindol ay sa bayan pa rin ng Naval at naitala ng Phivolcs ang parehong intensities.

Nasundan pa ito ng mas mahina na magnitude 2.5 na lindol alas 5:08 ng umaga.

Sa ikatlong lindol, naitala naman ang intensity 2 sa Naval.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: earthquake, naval biliran, Radyo Inquirer, earthquake, naval biliran, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.