Fashion Czar Pitoy Moreno, pumanaw na

By Jay Dones January 16, 2018 - 12:16 AM

 

Pumanaw na ang kilalang Pinoy fashion designer na si Jose ‘Pitoy’ Moreno sa edad na 87-anyos.

Kinumpirma ng Binibining Pilipinas Charities Inc., na sumakabilang-buhay na ang fashion icon dakong alas 2:48 ng hapon ng Lunes dahil sa atake sa puso.

Kilala si Pitoy Moreno sa bansag na Fashion Czar of Asia at isa sa mga nangungunang designer sa bansa at sa mundo.

Ito ang nagpasikat sa paggamit ng mga tinaguriang Maria Clara gown hindi lamang sa Pilipinas ginamit kung hindi maging sa iba pang panig ng mundo.

Ilan sa kanyang mga likha ay sinuot ng mga reyna at mga prinsesa at mga nasa alta-sosyedad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.