Maja Salvador, inamin na may nakaka-date na non-showbiz guy

By Jay Dones January 16, 2018 - 01:44 AM

 

Kinumpirma na ni Maja Salvador na nakikipag-date na siya sa kasalukuyan.

Ayon kay Maja, kanyang high school classmate ang lalake at labinlimang taon na niya itong kakilala at kaibigan.

Isang pribadong tao aniya ito at hindi involved sa showbusiness.

At dahil matagal na silang magkakilala, kabisado na nila aniya ang isa’t-isa.

Maging ang kani-kanilang mga pamilya ay magkakakilala kaya’t mistulang bahagi na siya ng pamilya ng lalake.

Matatandaang naugnay ang aktres sa mga aktor na sina Gerald Anderson at John Lloyd Cruz may ilang taon na ang nakalilipas.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.