2 patay, 1 pulis sugatan sa shooting incident sa Maguindanao

By Mariel Cruz January 15, 2018 - 11:48 AM

Patay ang dalawa katao habang sugatan ang isang pulis sa pamamaril sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ayon kay PO2 Jhemin Untong, binaril ng suspek na kinilalang si Usop Tatok Guiadel ang magsasakang si Dong Talipasan habang naglalakad sa national highway sa Barangay Dalican.

Nakatakas naman si Guiadel sakay ang isang motorbike kung kaya’t nagkasa ng manhunt operation ang mga pulis.

Sa isang checkpoint, napigilan si Guiadel pero nanlaban ito at binaril ang mga pulis.

Natamaan si PO1 Mohaliedn Ladsid, pero nabaril din nito ang suspek na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Narekober sa suspek ang isang caliber 45 na baril at ang motorbike na ginamit nang tumakas ito.

Kasalukuyang nagpapagaling si Ladsid sa isang government hospital sa Cotabato City.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Datu Odin Sinsuat, maguindanao, Shooting Incident, Datu Odin Sinsuat, maguindanao, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.