Megan Young nakipag-agawan sa wedding bouquet ni Maxene Magalona

By Justinne Punsalang January 14, 2018 - 09:17 PM

 

IG/Megan Young

Tila excited na ang Kapuso actress at beauty queen na si Megan Young na ikasal.

Ito ay matapos niyang agresibong saluhin ang wedding bouquet ng bagong kasal na si Maxene Magalona.

Sa isang Instagram video na ibinahagi mismo ni Megan, makikitang halos makipagbalyahan ang Miss World 2013 para lang masalo ang bouquet.

Kasabay ng kanyang pagtalon para sa bouquet ay isinigaw naman ng mga bisita sa reception ng kasal ang pangalan ng kanyang 7-year boyfriend na si Mikael Daez.

Si Mikael din ang nakakuha sa garter na ihinagis naman ng asawa ni Maxene na si Robby Mananquil.

Isang paniniwala na ang makakakuha ng bouquet at garter ang silang sunod na ikakasal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.