Beteranong aktor na si Spanky Manikan, pumanaw na

By Mariel Cruz January 14, 2018 - 04:50 PM SHARE(S):
INQUIRER FILE PHOTO

Pumanaw na ang beteranong aktor na si Spanky Manikan.

Sa isang text message na natanggap ng manager na si Ed Instrella, kinumpirma ng asawa ng aktor na si Susan Africa na pumanaw na si Spanky kaninang 11:41 ng umaga.

Si Spanky ay matagal nang nakikipaglaban sa kanyang stage four lung cancer, at noong nakaraang taon ay ilang beses na itong nagpapabalik-balik sa ospital.

Noong August, marami sa mga kaibigan ng beteranong aktor ang nag-organize ng “Sunday for Spanky” fund-raising campaign.

Ito’y para matulungan ang aktor sa kanyang medical expenses.

Nakilala si Spanky sa kanyang pag-ganap sa ilang pelikula tulad ng “Maynila sa Kuko Ng Liwanag,” “Bona,” “Broken Marriage,” at “Himala”, kung saan siya nagawaran ng best supporting actor award sa 1981 Metro Manila Film Festival.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.