Death toll sa matinding mudslides sa southern California, pumalo na sa 19

By Mariel Cruz January 14, 2018 - 04:48 PM SHARE(S):

Umakyat na sa labing siyam ang bilang ng mga nasawi sa matinding mudslides sa southern California.

Bukod dito, lima katao pa ang nananatiling nawawala.

Ayon sa Santa Barbara County, nagpapatuloy ang search operations sa mga gusali para sa iba pang biktima.

Dahil sa malalaking tipak ng putik at debris, nahihirapan ang ang rescue teams sa paghahanap sa iba pang nawawala bunsod ng mudslide.

Nasa animnapu’t limang bahay naman ang nasira ng mudslide habang 462 naman ang bahagyang napinsala.

Noong Martes, bumuhos ang malakas na ulan sa rehiyon na naging dahilan ng pagbagsak ng matinding pagbaha ng putik ay pagbagsak ng malalaking tipak ng bato sa ilang lugar partikular na sa Santa Barbara County.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.