Bata, patay makaraang masagasaan ng trailer truck sa Ermita, Manila

By Ricky Brozas January 14, 2018 - 12:18 PM SHARE(S):
Police banner

Patay ang disi-sais anyos na batang babae makaraang masagasaan ng trailer truck sa San Marcelino St., tapat ng Paco Park sa Ermita Manila.

Batay sa Imbestigasyon ng Vehicle Traffic Investigation Section ng Manila Police District, binabagtas ng trailer truck na may plakang TYJ575 na minamaneho ni Rene Gelbert Perez ang kahabaan ng San Marcelino Street at nang halos tumapat na sa Paco Park ay aksidente nitong tinamaan at nabundol ang biktima na si Justine Mariflor Sarmiento na naglalakad lamang sa lugar.

Nagtamo ng malubhang sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na kaagad namang isinugod sa Manila Medical Center pero idineklarang Dead-On-Arrival.

Batay sa disposisyon sa kaso na pinangasiwaan ni PO2 John Mark Estrada ay reklamong Reckless Imprudence resulting in Homicide ang kahaharapin ng suspek na si Perez na kasalukuyan nang nakakulong sa Manila Police District.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.