MRT-3, nakaranas ng aberya; halos 200 na pasahero, pinababa

By Mariel Cruz January 14, 2018 - 10:40 AM SHARE(S):

Isa na namang aberya ang sumalubong sa mga pasahero ng MRT-3 ngayong umaga ng Linggo.

Halos dalawang daang pasahero ang pinababa sa GMA-Kamuning Station northbound.

Sa abiso ng MRT-3, pinababa ang 180 na pasahero bunsod ng naranasang electrical failure ng train bandang 9:15 ng umaga.

Nagkaroon aniya ng aberya dahil sa “worn out electrical sub-components”.

Nakasakay naman ang mga apektadong pasahero sa sumunod na train na dumating makalipas ang apat na minuto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.