Ilang domestic flights, kanselado ngayong araw dahil sa sama ng panahon

January 14, 2018 - 09:59 AM SHARE(S):
Photo: Ninoy Aquino International Airport MIAA

Kanselado na ang ilang domestic flights ngayong Linggo, January 14.

Ito’y bunsod ng masamang panahon na umiiral sa ibang bahagi ng bansa.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority, kabilang sa mga kinanselang biyahe ay ang 2P 2921 Manila – Legazpi at 2P 2922 Legazpi – Manila ng PAL Express.

Nagkansela na din ng biyahe ang Cebu Pacific kabilang na ang 5J 321 Manila – Legazpi at 5J 322 Legazpi – Manila.

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking ng flight o refund ng pamasahe.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.