6 patay kabilang na ang 1 bata sa magkahiwalay na landslides sa Tacloban City at Lanao del Sur

By Mariel Cruz January 14, 2018 - 09:53 AM SHARE(S):
Photo by Esma D. Pangcatan

Anim katao ang naiulat na nasawi sa magkahiwalay na landslides sa Tacloban City sa Eastern Visayas at sa bayan ng Pantar, Lanao del Sur sa Mindanao.

Sa Tacloban, apat na indibiduwal ang nalibing ng buhay dahil sa landslide na tumama sa isang quarry site sa Barangay 43B, sa kahabaan ng Rizal Avenue Extension.

Naganap ang insidente bandang alas-9 ng gabi dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Ayon sa local officials, kabilang sa mga nasawi ay ang secretary ng Barangay na si Inday Hernandez, ang kanyang asawa at isang anak.

Nakilala naman ang isa pang nasawi na si Delia Carzon.

Patuloy naman ang pagsasagawa ng search and rescue operations dahil maraming bahay ang natabunan ng landslides.

Sa Lanao del Sur, dalawang senior citizens ang nasawi dahil pa rin sa landslides sa bayan ng Pantar.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumabas na ang mga biktima ay residente ng Barangay Balo-i.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.