Isa patay sa landslide sa Tacloban City

By Justinne Punsalang January 13, 2018 - 11:49 PM SHARE(S):
Photo: Delta Alexuy Volunteer

Isa na ang kumpirmadong patay sa naganap na landslide sa Avenida Rizal Extension sa Tacloban City, Leyte.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Tacloban City Mayor Cristina Romualdez at National Disaster Risk Reduction and Management Council spokesperson Romina Marasigan, kapwa nila sinabi na hindi pa batid ang pagkakakilanlan ng biktima.

Sinabi rin ng alkalde na mayroon pang isang bahay na natabunan ng lupa, at hinihinalang mayroong tatlong biktima na nasa loob nito. Ngunit ayon sa alkalde, hindi pa kumpirmado kung patay ba ang mga ito. Hinihintay pa aniya nila ang report ng rescue team na nasa lugar.

Ang naturang pagguho ng lupa ay bunsod ng walang patid na pag-uulan sa naturang lungsod.

TAGS: 1 dead in Tacloban landslide, Tacloban City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.