2 Abu Sayyaf members timbog sa Zamboanga City

By Jimmy Tamayo January 13, 2018 - 10:40 AM SHARE(S):

Dalawang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang naaresto sa isang mall sa Zamboanga City.

Kinilala ang mga inaresto na sina Emran Ismael, alyas “Bantong Basinti” at Brayan Mohammad, alyas “Pojong Attiun”.

Dinakip ang dalawa sa bisa na rin ng warrant of arrest mula sa Isabela City City RTC Branch 1 kaugnay ng kasong kidnapping with serious illegal detentions na kinakaharap ng mga ito.

Ang dalawa ang itinuturong nasa likod ng pagdukot sa 15 katao sa Golden Harvest Plantation sa Lantawan, Basilan noong June 11, 2001.
Itinanggi naman ni Ismael ang akusasyon at ikinatwiran na matagal na silang lumipat ng Zamboanga del Norte noong mangyari ang pagdukot.

TAGS: Abu Sayyaf, PNP, Zamboanga City, Abu Sayyaf, PNP, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.