Magnitude 3.7 na lindol, naitala sa Eastern Samar

By Kabie Aenlle January 13, 2018 - 04:28 AM SHARE(S):

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang Eastern Samar, Sabado ng madaling araw.

Naitala ang nasabing lindol 2:19 ng madaling araw, sa General MacArthur.

May lalim na 21 kilometers ang nasabing lindol na tectonic ang pinagmulan.

Nakapagtala naman ang PHIVOLCS ng instrumental intensity 3 sa Borongan City, habang instrumental intensity 2 naman sa Catbalogan City at Palo, Leyte.

Wala namang naitalang pinsala sa nangyaring lindol at hindi rin inaasahan ng PHIVOLCS ang anumang aftershocks pagkatapos nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.