158 pulis, nasibak sa serbisyo noong 2017-NCRPO

By Rhommel Balasbas January 12, 2018 - 03:27 AM

 

Umabot sa 158 na pulis ang nasibak sa serbisyo noong 2017 dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang mga kaso ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde, ang mga pulis na ito ay nasangkot sa mga kasong tulad ng kidnapping, pangingikil, grave misconduct at absence without leave (AWOL).

Sinabi rin ni Albayalde na ang may pinakamataas na ranggo na nasibak sa serbisyo ay isang police superintendent.

Gayunman, nilinaw niya na ang mga miyembro ng Caloocan PNP ay hindi pa natatanggal ngunit nasa ilalim pa rin ng ‘restrictive custody’.

Wala pa anyang napipirmahan ang hepe ng PNP ukol sa mga kasong administratibong inihain laban sa mga ito ngunit inirekomenda anyang masibak ang mga ito.

Iginiit din ng opisyal na walang kawani mula sa kanyang tanggapan ang kasama sa 69 na pulis na sinibak mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.