Net trust rating ni Pangulong Duterte ‘excellent’ muli-SWS

By Jay Dones January 12, 2018 - 03:00 AM SHARE(S):

 

Nakabawi sa net trust ratings si Pangulong Rodrigo Duterte sa 4th quarter survey ng Social Weather Stations (SWS).

Mula sa ‘very high’ o +60 rating noong third quarter ng 2017, umangat muli sa ‘excellent’ o +75 ang nakuhang score ng pangulo sa huling tatlong buwan ng nakaraang taon.

Batay sa survey na isinagawa noong December 8 hanggang 16, nasa 83 porsiyento na kinunan ng reaksyon ang nagsabing mayroon silang ‘much trust’ sa pangulo.

Pitong porsiyento naman ang nagsabing may ‘little trust’ lamang sila sa presidente.

Noong June 2017, nasa +75 ang net trust rating ni Duterte.

Gayunman, bumulusok sa +60 at nabawasan ng labinlimang puntos sa 3rd quarter survey na inilabas noong Setyembre.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.