2nd Most Wanted sa Gerona, Tarlac naaresto sa QC

By Justinne Punsalang January 11, 2018 - 12:09 AM

 

Kuha ni Justinne Punsalang

Arestado sa Araneta Bus Terminal ang lalaking itinuturing na number 2 Most Wanted drug personality ng Gerona, Tarlac Philippine National Police (PNP).

Kinilala ang suspek na si Ricarlos Luna, 31 taong gulang.

Nang mahuli ng mga otoridad ay hindi na nanlaban pa si Luna.

December 26 nang tumakas si Luna mula sa Tarlac Provincial Hospital kung saan ito isinugod dahil umano sa pananakit ng tiyan.

Ayon kay Senior Inspector Ramon Acquiatan Jr. ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7 sa Cubao, mismong ang pinsan ni Luna ang lumapit sa kanilang himpilan.

Kwento nito, nakikipagkita sa kanya si Luna para manghiram ng pera.

Agad na nagkasa ng operasyon ang mga otoridad, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek sa isang kainan sa Araneta Bus Terminal.

Ituturn over sa Gerona Municipal Police si Luna para harapin ang kanyang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.