Mga TNVS, maghihigpit na sa mga package delivery

By Jan Escosio January 11, 2018 - 01:05 AM

 

Hindi na dapat magtaka ang mga kliyente ng Grab, Uber at iba pang nasa transport network vehicle service kung sa pagpapadala nila ng packages ay oobligahin silang magpakita ng ID at buksan ang ipapadala nilang package.

Pumasok sa kasunduan ang Uber, Grab at U-Hop sa PDEA at LTFRB para maiwasan na magamit bilang drug courier ang kanilang mga driver ng mga sindikato.

Ayon kay PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino, sinamantala na ng mga sindikato ang TNVS kaya’t nais na nila itong matigil.

Sinabi naman ni LTFRB Chairman Martin Delgra II gagamitin na rin nila ang teknolohiya para mahuli ang mga sangkot sa droga na ginagamit ang TNCs sa pagpapakalat ng mga droga.

Nangako naman sina Laurence Cua, ng Uber; Brian Cu, ng Grab at Nicolas Laude, ng UHop na mahigpit nilang susundin ang nilalaman ng kasunduan maging ang mga kahinahinalang kliyente.

Maghihigpit na rin sila sa pagkuha ng kanilang mga driver at hihingian nila ang mga ito ng mga clearances bukod sa pagsasailalim sa regular na drug testing.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.