Dadgag-sahod ng mga pulis, “fitting recognition” sa kanilang serbisyo – PNP

By Rohanisa Abbas January 10, 2018 - 05:50 PM

“Fitting recognition” ang dagdag-sahod para sa mga pulis, sundalo at iba pang uniformed personnel, ayon sa Philippine National Police.

Ipinahayag ni PNP spokesperson Chief Superintendent Dionardo Carlos na pagkilala ito sa hindi makasariling serbisyo at sakripisyo ng mga myembro ng organisasyon.

Dagdag ni Carlos, ang tanging magagawa ng pulisya ay gawin ang “best performance” sa kanilang tungkulin para maging karapat-dapat sa pagkilala, kahit na nakasalalay ang kanilang mga buhay.

Simula January 1, tumaas nang doble ang base pay ng entry ng Police Officer 1, gayundin sa parehong antas sa militar at iba pang uniformed personnel.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.