North at South Korea, nakatakdang mag-usap ngayong araw

By Jimmy Tamayo January 09, 2018 - 08:27 AM

Photo: Associated Press

Itinakda na ngayong araw ang pag-uusap sa pagitan ng mga kinatawan ng North at South korea.

Ang “high level talks” ay naka-schedule alas diyes ng umaga o ala una ng hapon sa Peace House sa truce village ng Panmunjom.

Isa sa agenda ng pag-uusap ang posibilidad na paglahok ng North Korea sa 2018 Winter Olympics na gagawin sa South Korea sa Pebrero.

Pag-uusapan din ang pagbabalik ng dating relasyon ng dalawang bansa na nagkaroon ng lamat dahil sa isyu ng rocket launch ng Pyongyang at ang pag-aalis naman ng malaking pabrika sa nasabing bansa.

Tig-limang opisyal ang magiging kinatawan ng dalawang bansa sa pangunguna ni Ri Son Gwon, ang chairman ng Committee for the Peaceful Reunification of the Fatherland ng North Korea.

Kasama ni Ri sina Committee vice chairman Jon Song Su at Hwang Chung Song.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.