Presyo ng diesel at gaas muling tataas bukas

By Den Macaranas January 08, 2018 - 06:42 PM SHARE(S):
Inquirer file photo

Muling magpapatupad ng dagdag singil sa presyo ng diesel at kerosene ang mga oil companies bukas, araw ng Martes.

Ito ang inanunsyo ng Department of Energy kaugnay sa paggalaw ng presyo ng petrolyo sa world market.

Hindi naman kasama sa mga tataas ang halaga ang gasolina base sa pinakahuling advisory ng DOE.

Inaasahang aabot sa P0.55 centavos ang dagdag singil sa presyo ng diesel samantalang P0.30 naman sa gaas o kerosene.

Noong nakalipas na linggo at nagpatupad rin ng dagdag singil ang ilang oil companies.

Kabilang sa mga nag-anunsyo na ng dagdag presyo ay ang Phoenix Petroleum, PTT, Shell, Caltes, Petron, Metro, Jetti at Clean Fuel.

Nilinaw naman ng DOE na hindi pa ito epekto ng ipatutupad na bagong dagdag buwis sa mga petroleum products dahil may natitira pa sa imbentaryo ng mga oil companies.

TAGS: diesel, DOE, kerosene, price hike, diesel, DOE, kerosene, price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.